Determinado ang Philippine National Police (PNP) na mahuli ang mga nasa likod ng pambobomba sa Masbate City na ikinasawi ng isang football player at pinsan nito.

Namatay si Keith Absalon, 21, manlalaro ng Far Eastern University at nirepresenta na rin ang Pilipinas sa Under 19 tournament, pati ang pinsan niyang si Nolven matapos na sumabog ang isang improvised explosive device sa Brgy. Anas, Masbate City.

Hinala ng pulisya na ang bomba ay mula sa New People’s Army.

“I am directing the local police to coordinate with the military and launch manhunt operations against the suspects,” saad ni PNP chief Guillermo Eleazar.

“Mariin naming kinokondena ang pambibiktima ng NPA sa mga inosenteng sibilyan at hindi kami titigil sa pagtugis sa mga teroristang ito,” aniya pa.

Inatasan din ni Eleazar ang mga pulis na nasa lugar na pinamumugaran ng NPA na maging alerto sa posibleng pag-atake ng rebeldeng grupo.

The post PNP kinasa manhunt sa nakapatay ng FEU footballer first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-kinasa-manhunt-sa-nakapatay-ng-feu-footballer/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-kinasa-manhunt-sa-nakapatay-ng-feu-footballer)