Hinikayat ni Senadora Grace Poe ang gobyerno at ang pribadong sektor na bigyan ng bisikleta ng mga mahihirap ng mga manggagawa para mapadali ang kanilang biyahe at hindi na kailangan pang makipagsiksikan sa mga pampublikong sasakyan.

“You can move tens of thousands of people next week without having to tunnel underground or build concrete overpasses that will take years to finish,” sabi ni Poe.Sabi nito, ang mga pre-owned subalit well-maintained na made-in-Japan na mga bisikleta ay mabibili lang sa online sa halagang P2,500 hanggang P3,000.

“For workers who survive on daily wages, this sum is unaffordable,” saad ni Poe.Hinimok din nito ang pamahalaan ng bulto-bultong mga bisikleta at gamitin ang P1.316 bilyong pondo para sa sidewalks, bike-sharing at lending programs sa ilalim ng Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act.

Bilang subsidiya sa mga manggagawa, ang bike distribution program ay maaring pondohan mula sa ilang pandemic mitigation programs sa national budget, sabi ni Poe.“Kesa pera, pwede kasi ibang klaseng CCT—Cycles for Citizens Transfer—na mas mainam. I received a letter from a grocery worker who said that what they need is a different 4Ps, which he called “a Pedal Project sa Panahon ng Pandemya,” ayon kay Poe.
Batay sa datos ,ang Pilipinas ay may 2.1 milyon unit ng imported na bisikleta noong 2020, doble ito sa 1.1 milyong unit naitala noong 2019.

“Kung tama ang mga ads na P3,300 ang presyo ng isa, a P100-million allocation can provide mobility to 33,400 workers,” ani Poe.
“As we build more bike lanes, let us complement this by fielding more bikes used by workers who are relieved of daily commuting burdens. Ligtas pa, kasi sa mga siksikan na sasakyan, baka seatmate mo si corona,” saad pa nito.

The post Poe nanawagan ng libreng bisikleta sa mga pobre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/poe-nanawagan-ng-libreng-bisikleta-sa-mga-pobre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=poe-nanawagan-ng-libreng-bisikleta-sa-mga-pobre)