Nagalak ang World Health Organization (WHO) dahil pormal nang natapos ang polio outbreak sa Pilipinas na nagsimula noong 2019.

“This is a major win for public health and is an excellent example of what collective efforts can attain, even in the midst of the COVID-19 pandemic,” ayon kay PH WHO Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe.

“The closure of the polio outbreak is a direct result of strong political will and government leadership, the mobilization and engagement of resources and communities, the courage and commitment of healthcare and front-line workers, and the combined, coordinated efforts of the local governments and partners,” aniya pa.

Matatandaan na noong September 2019 inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nagkaroon ng outbreak ng polio sa ‘Pinas, 19 taon ang nakakalipas matapos tuluyang malusaw ang naturang sakit sa bansa.

June 3, 2021 nang pormal na itigil ng DOH ang kanilang polio outbreak response dahil sa nakalipas na 16 buwan ay wala nang naitalang kaso ng polio sa bansa.

Umayuda sa DOH ang WHO at United Nations Children’s Fund (UNICEF), sa pamamagitan ng pagtulong sa pagbabakuna ng kabataan laban sa polio.

“The success of the polio immunization in the Philippines is proof that when we come together for children, great things happen. UNICEF celebrates all the vaccine champions and partners who made this possible. We must keep the momentum and accelerate routine immunization and safeguard essential child health services while rolling out COVID-19 vaccines for priority groups,” lahad ni UNICEF Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov.

The post Polio outbreak sa ‘Pinas tapos na! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/polio-outbreak-sa-pinas-tapos-na/)