Walang duda na mabubuo ang political dynasty mismong sa Malacañang kung sakaling manalo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Pangulo.

Ayon ‘yan kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan bilang reaksyon sa naging pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na wala umanong political dynasty dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang ayaw patakbuhin si Inday Sara.

Ngunit paliwanag ni Pangilinan, ang pagpasa ng posisyon sa pagitan ng mag-ama ay malinaw na dynasty.

“Yes, of course. It’s a father and daughter succeeding one another, so yes, of course, that’s dynasty,” sambit ni Pangilinan sa panayam ng ANC.

“A family member succeeding a family member, that’s pretty much a part of political dynasties. And I don’t see the point of saying because she’s being told not to run, and therefore it’s not a dynasty,” giit pa nito.

Nilinaw din niya na maituturing din na dynasty ang Macapagal at Aquino, ngunit ayon kay Pangilinan ay may mabuti at masamang dinastiya.

Sa ngayon aniya ay mahirap pang desisyunan kung anong mangyayari sakaling parehong umupo sa pwesto ang mag-amang Duterte.

“You know, it’s very difficult to assess at this point. For example, if it’s Sara for president, then President Duterte for VP, obviously that is a different scenario altogether,” lahad pa nito.

The post ‘President Sara Duterte’ malinaw na political dynasty – Kiko Pangilinan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/president-sara-duterte-malinaw-na-political-dynasty-kiko-pangilinan/)