Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pag-amyenda sa Batas Kasambahay Act upang maproteksyunan hindi lamang ang mga kasambahay kundi maging ang kanilang mga amo.

Sa botong 196 pabor, walang tumutol at abstention, inaprubahan ng Kamara ang panukala na akda ni Deputy Speaker and Buhay Rep. Lito Atienza.

Sa ilalim ng House Bill 9144, ang mga private employment agencies (PEA) ay bibigyan ng responsibilidad na tiyakin na tama ang impormasyon na ibinigay ng isang nag-aaplay na kasambahay bago ipadala ang mga ito sa kanilang mga kliyente.

Dapat ding magsagawa ng background check ang mga PEA at humingi ng mga kaukulang dokumento gaya ng clearance at certificate mula sa National Bureau of Investigation (NBI), Police at Barangay.

Kung mayroon umanong gagawing krimen ang kasambahay gaya ng pagnanakaw, sa loob ng isang taon mula sa pagpasok nito, ay mayroon ding pananagutan ang PEA sa ilalim ng panukala.

The post Proteksyon sa amo ng kasambahay pasado na sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/proteksyon-sa-amo-ng-kasambahay-pasado-na-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=proteksyon-sa-amo-ng-kasambahay-pasado-na-sa-kamara)