Nadagdagan ng 127 ang mga kaso ng COVID-19 sa kapulisan, ayon sa huling tala ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Kaya naman lahat ng pulis na nagka-COVID ay pumalo na sa 25,070.

Ang mga aktibong kaso naman ay nasa 1,744.

Sa kabilang dako ay wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi at nanatili ito sa 69.

Ang mga nakarekober naman ay nadagdagan ng 195 at pumalo na sa 23,257.

The post Pulis na may COVID, nadagdagan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-na-may-covid-nadagdagan/)