Top trending sa Twitter Philippines ngayong Martes, Hunyo 1 ang hashtag na #PULISANGTERORISTA matapos mahuli sa video ang ginawang pamamaril ng isang pulis sa isang 52-anyos na sibilyan sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City Lunes ng gabi.

Sa ulat, kinilala ang pulis na si Master Sergeant Hensie Zinampan na malapitang binaril si Lilibeth Valdez.

Ang nag-viral na video ay kuha ng kamag-anak ng biktima.

Ayon sa anak ng biktima, nagkaroon ng alitan sina Zinampan at Valdez kung saan nagkasuntukan umano ang asawa nito at ang pulis.

Habang kinukumpronta si Valdez ay bigla na lamang siyang hinawakan sa buhok ng pulis at saka tinutok ang baril sa ulo ng ginang.

Nakiusap pa ang biktima na huwag siyang saktan ngunit ipinutok pa rin ni Zinampan ang kanyang baril kung saan agad na bumulagta sa sahig si Valdez.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

The post #PulisAngTerorista trending sa ginang na binoga ng pulis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulisangterorista-trending-sa-ginang-na-binoga-ng-pulis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pulisangterorista-trending-sa-ginang-na-binoga-ng-pulis)