Hindi pa nagsisimula ang Quezon City sa pagbabakuna ng A4 priority group.

Paliwanag ni Quezon City Task Force Vax to Normal Co-Chair Joseph Juico, hindi pa sapat ang kanilang supply ng bakuna para mabakunahan ang mga essential worker.

Sa report ng GMA News, sinabi ni Juico na nakipag-ugnayan na sila sa National Vaccination Operations Center para madagdagan ang kanilang supply ng bakuna.

Sa Quezon City, aabot sa 78,000 negosyo ang nakarehistro sa lungsod, kung saan inaasahan na bakunahan ang mga manggagawa nito.

Sakali mang dumating na ang bakuna sa lungsod, pinaalala ni Juico na bawal ang walk-in, at magbubukas ng online registration para sa A4 priority group.

The post QC ‘di sapat bakuna para sa A4 group first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/qc-di-sapat-bakuna-para-sa-a4-group/)