Wagi ang isang residente ng Rizal ng P10M sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nakuha ng mananaya ang 21-05-09-03-01-12 winning combination sa draw na isinagawa nitong Sabado.

P10,032,090.40 ang total na premyong napanalunan ng taga-San Mateo, Rizal.

Bukod pa dito, 69 tumaya naman ang nagwagi ng P24,000 matapos makakuha ng limang numero sa kombinasyon.

Wala namang nakasungkit ng P29.7M jackpot sa Grand Lotto 6/55.

The post Rizaleño buwenas sa P10M lotto jackpot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rizaleno-buwenas-sa-p10m-lotto-jackpot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rizaleno-buwenas-sa-p10m-lotto-jackpot)