Si Vice President Leni Robredo ang namumurong pambato ng oposisyon sa 2022 para sa pagka-Pangulo.

Ayon ‘yan kay dating Senador Antonio Trillanes IV, kung saan sinabi nito na dapat nang magdesisyon ni VP Leni kung tatakbo ba ito sa presidency.

“Definitely, we still maintain that Vice President Leni Robredo is the best candidate for the opposition,” saad ni Trillanes sa panayam ng ANC.

Sa ngayon ay wala pang desisyon si Robredo kung anong posisyon ang tatakbuhan sa 2022, na posible ring tumakbo bilang gobernador ng Camarines Sur.

Ayon naman kay Trillanes, mahalaga na magdeklara na habang maaga si Robredo para makapaghanda ang oposisyon para sa parating na eleksyon.

Giit ng dating mambabatas, kahit hindi muna isapubliko ni Robredo ang kanyang desisyon at isapribado muna ito para maging handa ang oposisyon.

 The decision can be made quietly, privately, so that you can make the necessary preparations and you can make the declaration later, a few days before the October filing,” lahad ni Trillanes.

The post Robredo best candidate sa pagka-Pangulo – Trillanes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-best-candidate-sa-pagka-pangulo-trillanes/)