Muling iginiit ni Vice President Leni Robredo na handa siyang tumakbo sa pagka-Pangulo.

Sa kanyang tweet, sinabi nito na wala pa siyang desisyon kung tatakbo na ba siya bilang gobernador sa Camarines Sur.

“Wala pang desisyon na ako’y tatakbong gobernador,” ayon kay Robredo. “Nananatili akong bukas na maging kandidato sa pagka-Pangulo.”

Siniguro ni Robredo na kanyang ipaaalam sa lahat ang kanyang balak sa oras na makapagdesisyon na siya.

Ang pahayag ni VP Leni ay kasunod ng panayam kay dating CamSur Rep. Rolando Andaya Jr, kung saan nakausap niya daw si Robredo at pagiging gobernador daw ang target ng Bise Presidente sa 2022.

“Pasensya na po mahal na mahal ko si Leni, gusto ko ring presidente siya pero kita niyo ang galaw niya mismo papunta siyang gobernador. Kahit magalit kayo sa akin suportahan niyo na lang siya,” saad ni Andaya.

The post Robredo binutata si Andaya: Bukas ako sa pagtakbo sa pagka-Pangulo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-binutata-si-andaya-bukas-ako-sa-pagtakbo-sa-pagka-pangulo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-binutata-si-andaya-bukas-ako-sa-pagtakbo-sa-pagka-pangulo)