Nakiisa si Vice President Leni Robredo sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa paggunita sa Pride Month ngayong Hunyo.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Robredo na dapat sikapin ng bansa na magkaroon ng komunidad na hindi nagtatangi at nang uusig.

“Kung saan niyayakap ang LGBTQIA+ bilang kapwa tao who have the same rights and dignity, and that deserve the same love, respect and acceptance as everyone else,” aniya.

“May we continue to deepen the ties that bind us as a nation and strengthen our collective resolve to build a fairer, humane, truly equitable society,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Ang buwan ng Hunyo ang itinuturing ng mga kasapi ng LGBTQIA+ sa buong mundo bilang Pride Month. 

The post Robredo nakiisa sa ‘Pride Month’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-nakiisa-sa-pride-month/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-nakiisa-sa-pride-month)