Sa halip na kasong murder, ang pag-pasa ng isang quarantine law ang nakikitang paraan ni Presidential Spokesperson Harry Roque upang mapanagot ang mga pasaway sa health protocol.

Sa pahayag ni Roque nitong Miyerkoles, kailangan ng intent to kill at marami pang kondisyon ang dapat mapatunayan para makasuhan ang isang quarantine violator ng murder.

“That’s why I’ve reiterated we still need a quarantine law to remove once and for the legal basis for holding individuals criminally liable for breaches of minimum health requirements,” ani Roque.

Sa kabila nito, ang kaso namang reckless imprudence ay mas nararapat sa mga pasaway.

“The ideal is to have a separate quarantine law. But I think we do have functional equivalent, existing statutes, provisions in RPC for disobedience to lawful orders given by persons in authorities that could also be a basis in addition to reckless imprudence,” dagdag pa ng tagapagsalita.

“You are obliged to report to the DOH if you have a communicable disease. Failure to do so also has a penal provision. I don’t think we should be talking about homicide or murder at this point,” aniya.

Matatandaang sa isang pulong ay iminungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na maaaring kasuhan ng murder ang mga pasaway sa protocol, isang mungkahing sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Roque: Quarantine law at hindi murder sa mga pasaway first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-quarantine-law-at-hindi-murder-sa-mga-pasaway/)