Pinayagan ng NLEX Road Warriors si Jericho Cruz na maglaro para sa national team ng Guam sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Matatandaan na pumunta si Cruz sa Amerika kung saan nag-eensayo ang Guam para sa torneo.

Biyahe sa Amman, Jordan si Cruz kung saan makakalaban nila ang Hong Kong sa Group C.

Ayon sa NLEX, inaprubahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang paglalaro ni Cruz sa Fiba matapos mag-request ang Guam national team.

Inaasahan na June 16 bumalik si Cruz sa Pilipinas, at dadaan pa sa dalawang linggong quarantine bago makapag-ensayo sa NLEX.

The post Sana all pinapayagan! Jericho Cruz lalaro sa Guam first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sana-all-pinapayagan-jericho-cruz-lalaro-sa-guam/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sana-all-pinapayagan-jericho-cruz-lalaro-sa-guam)