Kakasuhan ng Bureau of Internal Revenue ang mga suspek sa nabistong pekeng tax stamp sa mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P544M.

Ayon sa report ng BIR kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, aabot sa 15 milyon piraso ng pekeng tax stamp ang nakumpiska sa isang warehouse sa Bacolod City noong Mayo.

“The BIR office in Region 12 will file –and we coordinated with them– the necessary criminal cases and the assessment of deficiency taxes on this,” lahad ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa.

Bukod pa rito, inulat din ni Guballa na ang kanilang BIR Strike team, kasama ang mga tauhan mula Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ay nakatuklas ng 3,068 mastercase ng cigarette brand na Manchester.

Ito’y nasilip sa isang pasilidad ng GB Global Exprez Inc. sa Angeles Industrial Park sa Pampanga.

Depensa ng isang tauhan ng kompanya, parte umano ng kanilang dry run kaya ginawa ang mga sigarilyo.

Siniguro naman ng BIR na kanilang aaksyunan ang naturang isyu.

The post Sangkot sa P554M pekeng yosi tax stamp lagot sa BIR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sangkot-sa-p554m-pekeng-yosi-tax-stamp-lagot-sa-bir/)