Nilusaw ni presidential spokesperson Harry Roque ang posibilidad na magkabunggo sina Senador Bong Go at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-Pangulo sa 2022.

Ito’y matapos na tanungin si Roque kung sino ang susuportahan niya sakaling parehong tumakbo ang dalawang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“It will not happen. it will never happen,” saad ni Roque sa panayam ng ANC.

Aniya, buo ang suporta niya kay Inday Sara sakaling tumakbo ito sa 2022, at kung si Go naman ang tatakbo sa pagka-Pangulo ay kanya rin itong susuportahan.

Ayon kay Roque, sakaling tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte na VP ay tiyak na magiging running mate nito si Go.

“Of course if this happens, I will be supportive of Bong Go and Duterte candidacy,” dagdag pa ng presidential spokesperson.

The post Sara vs Bong Go sa 2022 imposible – Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sara-vs-bong-go-sa-2022-imposible-roque/)