Balak pairalin ng NCAA Philippines ang panuntunang ‘No vaccine, no play’ sa kanilang mga atleta na sasabak sa 96th season na nakatakdang mag simula sa Hunyo 13.

“Actually, we are discussing and we’re geared towards including vaccination in the eligibility of athletes,” pahayag ni Peter Cayco, miyembro ng Management Committee ng NCAA, nitong Martes.

Gayunpaman, ayon Fr. Vic Calvo ng Letran, nauunawaan nila na may karapatan ang mga student-athlete kung pipiliin nilang huwag magpabakuna.

Ngunit dagdag pa niya, ang pinapairal ng mga opisyal ng liga ay ang kaligtasan ng mga sasabak sa kompetisyon.

“We recognize the right of the students to choose if they do not want to be vaccinated, but we also have to consider those who want to be vaccinated,” pahayag ni Cayco.

The post Sasabak sa NCAA dapat muna magpabakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sasabak-sa-ncaa-dapat-muna-magpabakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sasabak-sa-ncaa-dapat-muna-magpabakuna)