Isang solon ang naghain ng resolusyon sa Kamara de Representantes upang kilalanin ang naging tagumpay ni Yuka Saso na nagkampeon sa katatapos na 76th United States Women’s Open.

Sinabi ni Senior Citizen Rep. Rodolfo Ordanes sa kanyang House Resolution 1852 na katangi-tangi ang tagumpay si Saso na nagbigay ng karangalan sa bansa at mga Pilipino.

Ang ama ni Saso ay isang Japanese samantalang ang kanyang ina ay Filipina mula sa San Ildefonso, Bulacan.

Natuto itong maglaro ng golf habang naglalaro ang kanyang ama sa Northwoods Golf and Country Club sa San Rafael, Bulacan.

Bago nanalo sa US Women’s Open, si Saso ay nanalo sa 2018 Asian Games at dalawang beses sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour ng Japan.

“Whereas, Saso also made Philippine history when she became the first Filipino or Filipina to ever win a major golf tournament. Thus, making it the greatest achievement in Philippine golf history to date,” saad ng resolusyon. 

The post Saso gustong parangalan sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/saso-gustong-parangalan-sa-kamara/)