Sumakabilang-buhay na ang sikat na komedyanteng si Carmelito Reyes, na mas kilala bilang si Shalala.

Siya ay edad 61.

Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Anthony Reyes sa isang showbiz website nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Anthony, pumanaw ang kanyang kapatid dahil sa pulmonary tuberculosis, nadala pa ito sa  National Kidney Institute at Fe Del Mundo Medical Center at na-revive pa ngunit binawian din ng buhay.

Nagsimulang makilala si Shalala dahil kay ‘Kuya Germs’ German Moreno, kung saan lumabas siya sa ‘Walang Tulugan with Master Showman’.

Nagpatawa din sa ilang sitcom si Shalala tulad sa ‘Home Sweetie Home’ at ‘Banana Sundae’ ng ABS-CBN.

The post Shalala pumanaw sa tuberculosis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/shalala-pumanaw-sa-tuberculosis/)