Ikinadismaya ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ginagawang paninisi ng Department of Energy (DOE) sa ilang private power company sa nangyayaring rotational brownout sa Luzon kasama na ang Metro Manila.

“It’s disappointing. Blame everyone except yourself. Where is accountability?” pahayag ni Drilon sa isang statement.

Una nang inakusahan ni Senador Manny Pacquiao si Energy Secretary Alfonso Cusi ng pagiging “incompetent”, na kanyang party-mate sa PDP-Laban, sa paghahanda sa power shortage.

“We’re expecting bigger problems pertaining to power supply, have we done enough preparations for a surge in power supply demand this summer? Deretsuhin ko na lang, Mr. President: He is incompetent sa posisyon na yan diyan,” sabi ni Pacquiao sa kanyang privilege speech noong Miyerkoles.

Nauna nang sinabi ni Cusi na plano niyang maghain ng kasong economic sabotage laban sa mga pribadong kumpanya dahil pagsagawa ng preventive maintenance mula Abril hanggang Hunyo na nagresulta sa kakapusan ng suplay ng kuryente sa maraming bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.

“The move is an attempt to shift away the blame from the government which, obviously, failed to prepare for these power outages over the last five years. The DOE is only using power plants as scapegoats for what happened. It’s a cover-up,” sabi ni Drilon.

“Blame-shifting won’t solve the power crisis,” pasaring pa nito sa DOE.

Suportado din ni Drilon ang gagawing imbestigasyon ng Senate committee on energy sa naturang isyu.

“I support and call for an immediate investigation into this looming power crisis. This problem, if left unresolved, has far-reaching consequences on the welfare of our people and our investment and business climate,” sambit pa nito.

The post Si Cusi ang dapat sisihin sa rotational brownout – Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/si-cusi-ang-dapat-sisihin-sa-rotational-brownout-drilon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=si-cusi-ang-dapat-sisihin-sa-rotational-brownout-drilon)