Napuno na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa pagpapatupad ng mandatory face shield, lalo’t sa buong mundo ay sa Pilipinas lang ito tanging ginagawa.

Sa tweet ng mambabatas, sinabi nito na sa datos na mula sa Department of Health (DOH), tanging ang Pilipinas lang ang nagpapatupad na kailangang isuot ang face mask at face shield nang sabay.

“It’s confirmed even from DOH records, no other country mandates the use of face shields on top of masks. It’s Either Or!” giit ng Senate President.

Sa report ng DOH, ang bansang China at South Korea ay tanging face mask na lang ang pinasusuot sa kanilang mga residente.

Sa Malta at Oregon naman, mamimili lang kung face mask o visor/face shield ang isusuot at hindi ito pinagsasabay.

Sa United Kingdom, tanging mga beautician, barbero, tattoo artist, photographer at ibang propesyon na kailangang lumapit sa publiko ang required mag-face shield.

“Sinong genius ang nambola sa gobyerno?” tanong ni Sotto. “Saan o sinong expert may sabi na dapat sabay?”

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte at Palasyo na maaari nang hubarin ang face shield kapag nasa labas ng isang establisimyento o gusali.

Ngunit agad itong binawi para umano sa pag-iingat laban sa Delta variant na nagmula sa India.

The post Sinong nambola sa gobyerno? Mandatory face shield only in the PH! – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinong-nambola-sa-gobyerno-mandatory-face-shield-only-in-the-ph-sotto/)