Nagdalamhati si PBA party-list Rep. Jericho Nograles sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin na si Davao del Sur Gov. Douglas Cagas kaninang umaga, Hunyo 10.

Sinabi ni Nograles na ramdam nito ang kalungkutan ng probinsya sa pagpanaw ni Cagas na nagbigay ng kaalaman sa kanya sa Kongreso at sa pamahalaang Panlalawigan.

“I am with the people of Davao del Sur in paying tribute to an outstanding leader who served as the catalyst of progress and development in the province over the last three decades,” sabi ni Nograles.

Hindi umano maitatanggi ang malaking papel na ginampanan ng pumanaw na gobernador sa naging pag-unlad ng lalawigan.

“Governor Cagas leaves an indelible imprint on the history of Davao del Sur. His legacy will forever live on,” dagdag pa ni Nograles. “His people love him very much and I am certain that the Cagas legacy will forever live on. To the people of Davao del Sur, remember what Gov. Dodo always says, ‘Aim high!’” 

The post Solon nagdalamhati sa pagpanaw ni Gov. Cagas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/solon-nagdalamhati-sa-pagpanaw-ni-gov-cagas/)