Nagpasalamat si Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Estados Unidos sa pagbibigay nito ng bakuna sa Pilipinas at iba pang bansa.

Ayon kay Rodriguez makatutulong ang donasyong AstraZeneca vaccine ng Amerika para mapabilis na makamit ng bansa ang population protection.

“We are grateful for the donation, which will strengthen our diplomatic ties with the US,” sabi ni Rodriguez. “We should anticipate a surge in supply and prepare to scale up vaccination.”

Noong Abril ay hiniling ni Rodriguez sa Estados Unidos na ibigay sa Pilipinas ang sobra nitong bakuna. Noon ay Sinovac pa lamang ng China ang ibinabakuna sa bansa.

Aabot sa 7 milyong bakuna ang ibibigay ng Amerika na paghahati-hatian ng Pilipinas, India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Afghanistan, Maldives, Malaysia, Philippines, Vietnam, Indonesia, Thailand, Laos, Papua New Guinea, Taiwan, at Pacific Islands.

The post Solon nagpasalamat sa donasyong bakuna ng US first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/solon-nagpasalamat-sa-donasyong-bakuna-ng-us/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=solon-nagpasalamat-sa-donasyong-bakuna-ng-us)