Pagdating sa pagkanta, nangunguna pa rin ang mga Pinoy sa buong mundo.

Pinatunayan ‘yan ni Peter Rosalita, isang 10-anyos na Pinoy na lumaki sa Abu Dhabi.

Sumalang si Rosalita sa auditions para sa 16th season ng America’s Got Talent kung saan pinabilid niya ang apat na bigating hurado.

Inawit ni Rosalita ang ‘All By Myself’ ni Celine Dion, kung saan napanganga ang mga hurado dahil sa taas at ganda ng boses ng batang Pinoy.

Napatayo pa ang mga hurado na sina Heidi Klum, Howie Mandel, Sofia Vergara at Simon Cowell matapos ang performance ni Rosalita.

“You’re amazing! I predict that you’re gonna go far in this competition,” reaksyon ni Howie.

Nilarawan naman ni Cowell bilang ‘incredible audition’ ang pagkanta ni Rosalita.

“There were parts during that audition which literally gave me goosebumps. You have an amazing voice, an amazing personality, an amazing energy. Everyone is gonna fall in love with you after this audition,” dagdag ni Cowell.

Nakakuha siya ng apat na ‘yes’ mula sa mga judge at abante sa susunod na round.

The post Standing ovation! Batang Pinoy pasiklab sa ‘America’s Got Talent’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/standing-ovation-batang-pinoy-pasiklab-sa-americas-got-talent/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=standing-ovation-batang-pinoy-pasiklab-sa-americas-got-talent)