Hindi kailanman magtatagumpay ang peace talks sa New Peoples Army (NPA) hanggat hindi  tumitigil sa pag-atake  sa mga puwersa ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular Talk to the People kasunod nang pag-atake ng mga rebelde sa puwersa ng 85th Infantry Battalion sa bayan ng Buenavista, Quezon noong June 5,2021.

Hindi naitago ng Pangulo ang ngitngit at galit sa mga NPA dahil sa pananambang at pagpatay sa mga sundalo at pulis, pati na sa mga lokal na opisyal gaya ng mga kapitan de barangay.

“They only have the condemnation of the people, especially from me. Kaya hindi talaga tayo magkaintindihan kailanman. No peace talks can ever succeed under me or under any other president if you do not stop attacking government forces and even civilian leaders,” anang Pangulo.

Hindi maintindihan ni Pangulong Duterte kung bakit napaka-insensitibo ng mga NPA at kailangang atakehin ng mga komunista ang mga sundalong maghahatid ng tulong at pagkain sa mga mahihirap na Pilipinong apektado ng COVID pandemic.

Tiniyak ng Presidente ang hustisya sa mga napatay na sundalo kasabay ang pagkilala sa serbisyo ng mga ito sa sambayanan.

“I’d like the soldiers to know and the families of the fallen heroes that the nation is very grateful to you and we would know also how to reciprocate their bravery. Justice will be served sa kanila in the end,” dagdag ng Pangulo.

The post Sundalo patuloy na nilulusob! Duterte tutol sa peace talks sa NPA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sundalo-patuloy-na-nilulusob-duterte-tutol-sa-peace-talks-sa-npa/)