Umukit ng kasaysayan si Denver Nuggets star Nikola Jokic matapos niyang masungkit ang NBA Most Valuable Player award sa 2020-21 season.

Ang 41st pick noong 2014 ang pinakaunang MVP na nagmula sa second round ng NBA Draft.

Bukod pa dito, siya rin ang kauna-unahang sentro na nakuha ang MVP award kasunod si Shaquille O’ Neal noong 2000.

Si Jokic din ang ika-anim na international player na nagwagi ng nasabing tropeo.

“To be honest, I didn’t even think about being in the NBA,” ayon kay Jokic matapos pangalanang MVP. “My goal when I started to play basketball back home was to play in the Euroleague because that was the closest top league to my country. I could play in some big clubs in Serbia and grind my way up.”

Pinasalamatan din ni Jokic ang kanyang mga teammate na nakatulong sa kanya para masungkit ang MVP trophy.

Sa regular season, nag-average si Jokic ng 26.4 points at 8.3 assists, kasama paa ng career high na 10.8 rebounds.

Giniya niya ang Denver Nuggets sa third spot ng Western Conference, at hinaharap ngayon ang Phoenix Suns sa semifinals.

Natalo ni Embiid para sa MVP trophy sina Philadelphia 76ers center Joel Embiid at Golden State Warriors shooter Stephen Curry.

The post Sunod sa yapak ni Shaq! Nikola Jokic bagong NBA MVP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunod-sa-yapak-ni-shaq-nikola-jokic-bagong-nba-mvp/)