Napatay ng pulisya sa isang engkwentro nitong Sabado ang hinihinalang taga-gawa ng bomba ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan.

Kinilala siya bilang si Aroy Ittot, na mas kilala sa alyas na ‘Oroy.’

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar, aarestuhin na sana ng pulisya si Ittot dahil sa kaso nitong murder ngunit sinalubong umano nito ng pagpapaputok ng baril ang mga pulis.

“The suspect fired upon the arresting team using his M16 rifle which prompted the operating troops to return fire that eventually led in the neutralization of Oroy,” wika ni Eleazar nitong Linggo.

Nakuha sa kanyang kuta ang isang M16, isang M14, pitong grenade rifle at mga kasangkapan sa paggawa ng improvised explosive device.

Isa umano ang suspek sa mga pinagkakatiwalaan ng Abu Sayyaf pagdating sa paggawa ng bomba.

Siya ay isa sa hinihinalang kasama sa tangkang pambobomba sa convoy ng Mayor ng Tuburan, Basilan noong 2018.

The post Taga-gawa ng bomba ng ASG, patay sa shoot-out first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taga-gawa-ng-bomba-ng-asg-patay-sa-shoot-out/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taga-gawa-ng-bomba-ng-asg-patay-sa-shoot-out)