Nilantad ng isang netizen ang nangyaring scam sa kanyang ina gamit ang ShopeePay ng online selling platform na Shopee.

Sa Facebook post ni Maddie Bautista, noong June 3 ay nakatanggap ng tawag ang kanyang ina kung saan nagpanggap ang kausap nito na empleyado ng EastWest Bank.

Napaniwala umano ang kanyang ina sa sinabi ng pekeng empleyado na ginagamit ang kanyang card sa mga kahina-hinalang transaksyon dahil sa umano’y identity theft.

Doon binigay ng ina ni Bautista ang mga kailangang impormasyon kaya nagkaroon ng access ang scammer sa card at nakagawa ng ilang transaksyon sa Shopee.

Kaagad naman nila itong nireklamo sa EastWest kaya naharang ang tatlong transaksyon na ginawa ng scammer, ngunit ang pinakauna ay lumusot na nagkakahalaga ng P94,000.

“The bank was able to block 3 transactions right away but the first one went through and it was for an amount of 94,000 php. The bank told her that while the transaction went through, it was still ‘floating’,” saad ni Bautista.

Habang nakikipag-usap sila sa banko ay may tumawag na rin sa Shopee para ireklamo ang naturang transaksyon, at nangako naman umano ang customer service ng online selling platform na iimbestigahan nila ito.

“The difference between the call with the scammer and with the Shopee employee was just a matter of minutes. The call with the scammer ended at 4:14 PM and she was able to get in touch with Shopee Customer Service at around 4:45 PM,” ayon sa netizen. “Shopee even acknowledged my mom’s dispute form at 5:07 PM. In short, all these happened in less than an hour.”

Ngunit June 8 ay tumawag sa kanyang ina ang EastWest Bank at dito nila nalaman na lumusot pala ang transaksyon sa Shopee at pinagbabayad siya ng P94,000.

Doon nila muling tinawagan ang Shopee at tinanong kung bakit natuloy pa rin ang transaksyon gayong nireklamo na nila ito habang ‘floating’ pa lang ang status, ayon sa bangko.

Ayon sa Shopee, ‘digital product’ daw kasi ang binili ng scammer at real-time umano ang pagbabayad doon kaya hindi naharangan ang P94,000 transaction.

“They just told my mom that the transaction involved ‘digital products’ and that digital product purchases are real-time. So are they saying that in a matter of less than 30 minutes, they were already able to consummate the sale ie., approved the sale and delivered the products?” tanong ni Bautista.

Ayaw din umanong ibigay ng Shopee ang impormasyon tungkol transaksyon ng scammer na makatutulong sana para mahuli ito.

“This is not okay at all. No wonder why the scammer was so confident to purchase products with that huge of an amount thru their platform,” giit pa ng anak na nai-scam.

Wala pang nilalabas na pahayag ang Shopee hinggil sa naturang scam.

The post Transaction tumuloy kahit nireklamo na: P94K scam lumusot sa Shopee first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/transaction-tumuloy-kahit-nireklamo-na-p94k-scam-lumusot-sa-shopee/)