Inanunsyo ng Facebook na suspendido pa rin sa kanilang platform si dating US President Donald Trump o hanggang January 7, 2023 – dalawang taon mula noong una siyang sinuspinde.

Ayon sa Facebook, susuriin pa nila ang mga pangyayari upang makita kung maaari na itong payagang makabalik.

Dahil dito, hindi makakapag-post sa kanyang FB account si Trump, na may milyon-milyong followers.

Nag-ugat ang suspensyon ni Trump sa FB matapos sumugod ang mga tagasuporta niya sa Capitol Building noong Enero, na sinasabing pakana ng una.

Hindi matanggap ng mga pro-Trump ang pagwawagi ni President-elect Joe Biden.

The post Trump 2 taon pang ban sa Facebook first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trump-2-taon-pang-ban-sa-facebook/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=trump-2-taon-pang-ban-sa-facebook)