Nadagdagan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho buhat nang muling ibalik ang striktong quarantine sa Metro Manila at iba pang probinsya.

Sa datos mula Philippine Statistics Authority (PSA), nakita na 4.14 milyong Pilipino ang jobless para sa buwan ng Abril, naitakda ang unemployment rate sa 8.7 percent.

Kapareho ito noong January 2021 kung saan umabot din sa 8.7 percent ang unemployment rate.

Mas mataas naman ito kumpara noong marso kung saan nasa 7.1 percent lamang ang walang trabaho o katumbas ng 3.44 milyong Pilipino.

Para naman sa underemployment sa buwan ng Abril, 17.2 percent ang bilang ng mga underemployed, mas mataas sa 16 percent noong Enero.

Matatandaan na noong Abril ay nagpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) bago ilipat sa modified ECQ ang Metro Manila, kasama ang Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan para sa buong buwan.

The post Unemployment rate tumaas! 4.14M Pinoy walang trabaho – PSA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/unemployment-rate-tumaas-4-14m-pinoy-walang-trabaho-psa/)