Kapwa bumaba ang ranking ng University of the Philippines (UP) at De La Salle University (DLSU) sa 2021 Times Higher Education Asia University Rankings.

Mula sa ika-65 ranggo ay bumaba ang UP sa 84th spot.

Dumulas naman sa 301-350 bracket patungong 401+ ang La Salle.

Ang pagraranggo ng mga unibersidad sa Asya ay batay performance indicators sa pagtuturo, pagsasaliksik, pagsipi, pananaw sa internasyonal at kita sa industriya.

Nanguna sa mga Asian university ang Tsinghua University at Peking University sa China.

Pasok naman sa ikatlo hanggang ikalimang ranggo ang mga paaralan sa Singapore na National University of Singapore at Nanyang Technological University.

Pang-apat ang University of Hong Kong.

551 unibersidad sa Asya ang kasama sa 2021 ranking.

The post UP, La Salle bumulusok sa Asia University Ranking first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/up-la-salle-bumulusok-sa-asia-university-ranking/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=up-la-salle-bumulusok-sa-asia-university-ranking)