Binaba ng Amerika ang kanilang travel restriction para sa mga Amerikano na gustong pumunta sa Pilipinas.

Mula Level 4: Do Not Travel ay ginawa na lamang itong Level 3 kung saan pwede nang ikunsidera ng mga biyahero mula USA na magtungo sa bansa.

Paalala ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), dapat ay makumpleto muna ang bakuna bago magpunta sa Pilipinas.

Ayon sa CDC, dapat ay iwasan muna ng mga wala pang bakunang biyahero ang Pilipinas dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaan na noong Abril inisyu ang level 4 restriction ng Amerika, panahon kung kailan ibinalik ang striktong lockdown sa ‘Pinas.

The post USA niluwagan pagbiyahe sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/usa-niluwagan-pagbiyahe-sa-pinas/)