Nakorner ang vice mayor ng Batuan, Masbate, sa pamamaslang kay Charlie Yuson III, dating vice mayor ng parehong lugar..

Nadakip si Nelson Reformoso Cambaya sa Brgy. Quinapagian, sa Mercedes, Camarines Norte nitong Huwebes.

Si Vice Mayor Cambaya ay isa sa pitong suspek sa pagpatay kay Yuson noong 2019, kung saan pinagbabaril ito sa isang kantina sa Sampaloc, Manila.

Natunton si Cambaya sa tulong ng Barangay Intelligence Network, kung saan hinain sa bise alkalde ang arrest warrant sa kasong murder at frustrated murder.

Ang naturang warrant of arrest ay inilabas noong April 26, 2021 ng Regional Trial Court Branch 42 sa Maynila.

The post Vice mayor na suspek sa Yuson murder, arestado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vice-mayor-na-suspek-sa-yuson-murder-arestado/)