Humingi ng paumanhin si Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar sa naging trato niya kay Police Master Sergeant Hensie Zinampan, na huling pumatay sa isang lola sa Quezon City.

Matapos madakip si Zinampan ay makikitang dinuduro-duro, niyugyog, at sinigawan ni Eleazar ang suspek sa murder kay Lilibeth Valdez.

“Humihingi ako ng dispensa doon sa outburst of my emotion, parang isang tatay lang na tinatangkilik ang mga anak na gumagawa ng tama, pero sa kabila ng pakiusap, may walangyang anak,” ayon kay Eleazar sa panayam ng ANC.

“Ang point ko lang kasi, talaga namang walangya itong pulis na ito,” aniya pa.

Si Zinampan ay nakasuhan na ng murder dahil sa pagpatay kay Valdez na nakunan ng video ng mismong apo ng biktima.

Bukod pa dito, hinainan din ng kasong grave misconduct ang suspek para tuluyan itong matanggal sa pagiging pulis.

The post Walangya kasi talaga! Eleazar nag-sorry sa panduduro ng pulis na huli-cam sa pagpaslang first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walangya-kasi-talaga-eleazar-nag-sorry-sa-panduduro-ng-pulis-na-huli-cam-sa-pagpaslang/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walangya-kasi-talaga-eleazar-nag-sorry-sa-panduduro-ng-pulis-na-huli-cam-sa-pagpaslang)