Gumawa ng kasaysayan si Yuka Saso matapos masungkit ang kampeonato sa US Women’s Open.

Tumabla ang Pinay kay South Korean Inbee Park bilang pinakabatang nagkampeon sa naturang torneo sa edad na 19.

Tinalo ni Saso si Japanese golfer Nasa Hataoka sa aggregate playoff para tuluyang makuha ang tropeo.

Parehong nakaiskor ng par sa dalawang hole sa playoff sina Saso at Hataoka kaya nagkaharap sa death match.

Dahil sa panalo, si Saso din ang naging kauna-unahang Pinay na nanalo sa major championship ng LPGA.

Naging emosyonal ang 2018 Asian Games gold medalist sa kanyang nauwing tagumpay para sa bansa.

“To all my friends and fans back in the Philippines and Japan, I am really thankful. I hope I can do better, keep this going,” sambit ni Saso.

The post Yuka Saso pinakabatang US Women’s Open champion! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yuka-saso-pinakabatang-us-womens-open-champion/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=yuka-saso-pinakabatang-us-womens-open-champion)