Dineklara ni Sto. Tomas, Davao del Norte Mayor Ernesto Evangelista ang diarrhea outbreak sa Brgy. Tulalian.

Ayon sa pahayag ng ng Municipal Information Office (MIO) ng Sto. Tomas, isa na ang nasawi habang 47 naman ang kinailangang i-confine sa ospital.

Ang namatay ay isang 58-anyos na lalaki, na nakaranas ng pagdudumi at pagsusuka.

Nagpadala si Evangelista ng Quick Reaction Team, na binubuo ng dalawang doktor at walong nurse, para alalayan ang mga residenteng apektado ng diarrhea outbreak.

Ayon kay Municipal Health Office administrator Charlemagne Fernandez, kanila nang iniimbestigahan ang sanhi ng diarrhea outbreak, na posibleng dahil sa kontaminadong tubig.

Ngunit sa July 19 pa mailalabas ang analysis sa tubig ng Sto-Tomas, Davao del Norte.

“But the Environment Sanitation Report from the MHO revealed that the water system source in the area was possibly contaminated because of the water’s poor quality due to poor chlorine disinfection,” saad naman ng MIO.

The post 1 patay, 47 naospital: Diarrhea kumalat sa Davao del Norte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-patay-47-naospital-diarrhea-kumalat-sa-davao-del-norte/)