Humingi na ng paumanhin ang FoodPanda sa mga sinuspendeng rider dahil sa kilos-protesta na ginanap sa Davao City.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pinaliwanag ng food delivery service app na glitch lang umano ang isang dekadang suspensyon para sa mga rider.

“Inamin ng Foodpanda na technical,  ibig sabihin may may glitches daw sa kanilang communication line so wala daw iyon,” sambit ni Bello sa panayam ng TeleRadyo.

“Talaga naman ay hindi mo maintindihan na may suspension ng 10 years, parang terminated ka na nun eh,” aniya pa.

Hindi pa naman klaro kung tinapos na ba ng FoodPanda ang suspensyon ng mga rider na sumali sa protesta.

Matatandaan na nagsagawa ng kilos protesta ang ilang daang rider sa Davao dahil sa umano’y hindi patas na computation sa kanilang bawat biyahe.

The post 10 taong suspensyon, glitch lang daw: FoodPanda nag-sorry na sa mga rider – DOLE first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10-taong-suspensyon-glitch-lang-daw-foodpanda-nag-sorry-na-sa-mga-rider-dole/)