Abot sa 100 paaralan ang posibleng magkaroon ng limitadong face-to-face class sa paparating na School Year 2021-2022.

Ayon sa Department of Education (DepEd), hinihintay pa ang approval ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pilot study ng limited face-to-face class.

“What we are proposing is a pilot study for 100 schools na iyon ay nasa Presidente pa rin ang desisyon kung papayag siyang mag-pilot study tayo,” lahad ni DepEd Secretary Leonor Briones.

Sa September 13 ang nakatakdang pagbubukas ng klase, kung saan sinabi ni Briones na mananatili ang blended learning dahil sa COVID-19 pandemic.

“For 100 schools, subukan natin, tingnan natin kung makayanan natin ang limited face-to-face. But we will not have face-to-face on Sept. 13, we want to make that very, very clear – it’s still blended learning,” paglilinaw ng kalihim.

The post 100 eskuwelahan gustong subukan sa face-to-face class first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/100-eskuwelahan-gustong-subukan-sa-face-to-face-class/)