Nagbabala ang OCTA Research dahil sa muling pagtaas ng reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, mula 0.6 na naramdaman kasunod ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ, umakyat na sa 1.15 ang reproduction number sa NCR.

Paliwanag ni David sa 1.15 na reproduction number, sa 10 COVID-19 positive, 11 katao ang posibleng mahawaan.

“Sa report niyo nga, 1.06. Ngayon kasi tumaas na ulit, 1.15 na siya,” wika ni David sa panayam ng ‘Unang Balita’.

Ang reproduction number na higit sa 1.1 ay tinuturing na ‘high risk’.

“So it means nasa high risk na ang NCR ngayon sa reproduction number,” sambit pa ni David.

Aniya pa, posibleng pumalo ulit sa 10,000 ang dagdag na kaso kada araw, kasabay ng pagpasok ng Delta variant sa bansa.

“Yesterday’s number na 6,000 mataas iyan, we are expecting na more than 8,000. It means na tumataas na ang cases, we might see 10,000 by next week or next, next week,” salaysay pa ng OCTA Research fellow.

Apat na lugar ang nagkaroon ng ‘significant’ na pagtaas ng COVID-19 case, kasama dito ang Manila, Makati, Baguio at Laoag.

Sa apat na lugar, Manila ang may pinakamataas na pagsirit ng kaso, mula 82 ay umakyat sa 109 average kaso ng COVID-19 kada araw.

The post 10K PH daily case nakaamba! NCR balik high risk sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10k-ph-daily-case-nakaamba-ncr-balik-high-risk-sa-covid/)