Kabuuang 132,200 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Sakay ang mga bakuna ng Qatar Airways Flight QR928 at lumapag sa NAIA Terminal 3 bandang alas-10:50 kagabi, July 9.

Kahapon dumating din sa bansa ang mahigit dalawang milyong dose pa ng AstraZeneca vaccine na donasyon mula sa COVAX Facility ng World Health Organization.

Kasunod ito ng nauna nang dumating na 1,124,100 doses ng AstraZeneca vaccine na bigay naman ng Japan sa Pilipinas noong July 8.

Sinalubong ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamor Air Base sa Pasay City. 

The post 132K biniling Sputnik V bakuna lumapag sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/132k-biniling-sputnik-v-bakuna-lumapag-sa-ph/)