Karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac vaccine na binili ng gobyerno ang dumating sa bansa ngayong Sabado.

Dumating ang mga bakuna sakay ng Cebu Pacific flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City ng alas-8 ng umaga.

Mula sa NAIA ay dadalhin ito sa Pharmaserv, isang cold storage sa Marikina City.

Ipamamahagi ito sa mga local government unit.

The post 1.5M pang Sinovac vaccine lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-5m-pang-sinovac-vaccine-lumapag-sa-pinas/)