Dumating na sa bansa ang bagong batch ng Sinovac vaccine nitong Huwebes ng umaga.

Alas-7:48 ng umaga lumapag ang eroplanong may bitbit na 1.5 milyong dose ng Sinovac sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinalubong ito nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon naman kay presidential spokesperson Harry Roque, inaasahan na may dumating muling 1 milyong dose ng Sinovac sa bansa sa Biyernes, July 23.

The post 1.5M Sinovac bakuna lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-5m-sinovac-bakuna-lumapag-sa-pinas/)