Dalawang motorcycle rider ang nasawi sa magkahiwalay na aksidente sa Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Dakong alas-7:00 p.m. ng gabi nang bumangga sa isang nakaparadang dump truck sa Barangay Aga, Nasugbu ang motor na minamaneho ni Rogelio Corporal Jr., 37-anyos.

Bagamat may suot na helmet si Corporal ay matindi ang mga naging tama sa kanyang ulo kaya’t binawian ito ng buhay habang sinusugod sa pagamutan.

Samantala, sa bayan naman ng Laurel, patay ang rider na si Semiona Matienzo, 50-anyos, nang mawalan ng preno ang motorsiklo at sumadsad sa isang bangin.

Sugatan naman ang kanyang mga angkas na sina Ashley Matienzo at Julie Anne Orbita at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

The post 2 rider dedo sa aksidente sa Batangas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-rider-dedo-sa-aksidente-sa-batangas/)