Tatlong bar sa Quezon City ang pinatawan ng temporary closure ng lokal na pamahalaan sa patuloy nitong pagsasagawa ng random inspection sa mga establisyimento.

Ayon sa reports, ang mga ipinasara ay ang Guilly’s Island Restaurant and Bar at Karma Lounge sa Tomas Morato, at Batcave Music Bar sa Visayas Avenue.

Nahuli umano ang Guilly’s na expired na ang business permit. Naticketan sa operasyon ang 29 empleyado at 10 kustomer ng naturang bar.

Ang Karma Lounge naman ay nahuling nilalabag ang health protocol at expired na rin ang mayor’s permit. Wala ring occupational permit at 30 sa mga empleyado nito.

Samantala, ang Batcave naman ay nadiskubreng lumalabag sa health protocols.

Napag-alaman din na lumalagpas sa public safety hours ang operasyon ng mga bar na ito.

The post 3 bar pinakandado sa QC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-bar-pinakandado-sa-qc/)