Nakabalik na ng bansa ang 348 OFW mula United Arab Emirates (UAE) nitong Linggo na bunga ng repatriation program ng gobyerno.

Sinagot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gastos sa paguwi ng mga OFW.

Ito na ang ika-apat na batch ng mga nakauwing Pilipino mula nang ideklara ng bansa ang travel ban sa pitong bansa sa middle east, kabilang ang UAE.

Kabilang sa batch na ito ang 67 na buntis at 30 na may kondisyon sa kanilang kalusugan.

Sasailalim muna sila sa quarantine at papayagang makauwi kung maging negatibo sa COVID.

Ang mga susunod na batch ay nakatakda sa Hulyo 12, 17, 27 at 30.

Nasa 2,000 OFW sa UAE ang target ng repatriation program.

The post 348 OFW sa UAE nakauwi na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/348-ofw-sa-uae-nakauwi-na/)