Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng nursing licensure examination kung saan 5,008 ang nakapasa.

Nanguna sa listahan si Haydee Bacani mula sa Philippine Women’s University (PWU) na nakakuha ng rating na 89.40%, habang pumangalawa naman si Liezl Tuazon mula sa Angeles University Foundation na nakakuha ng rating na 89%.

Tabla naman sa pangatlo sina Marlchiel Nathan Sungahed Arreglado ng St. Paul University sa Tuguegarao City at Ana Maria Kim Ramos Vallente ng Capitol University na parehong nakakuha ng 88.6%.

Tig-tatlong estudyante rin ang naghati sa ikaapat at ikalimang pwesto sa nursing board exam.

Pagdating naman sa pamantasan, nanguna ang Saint Louis University sa Baguio City na 100% ang passing rate, na sinundan ng Saint Paul University – Tuguegarao at University of Pangasinan na parehong 96.08% ang passing rate.

Nasa 7,746 ang lahat ng kumuha ng pagsusulit. 

The post 5K pasado sa July 2021 nursing board exam first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5k-pasado-sa-july-2021-nursing-board-exam/)