Inanunsyo ng Department of Health na pitong kaso ng Delta variant sa bansa ang active case pa.

“We have seven who we have recently discovered that are still active for now,” saad ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa panayam ng CNN Philippines.

Paliwanag ni Vergeire, ang pitong nagpositibo sa Delta variant ay hindi kaagad naisalang sa RT-PCR test matapos ang kanilang 14-day quarantine.

Nang malaman ng DOH na sila’y tinamaan ng Delta variant, kaagad silang ini-swab test, at doon nakita na sila’y hindi pa gumagaling sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay naka-quarantine na ang pitong Pilipino na nagpositibo sa Delta variant, at patuloy ang mga local government unit sa pag-monitor sa mga pasyente.

Ayon sa DOH, ang mga active Delta case ay nagmula sa Manila, Cagayan de Oro at Misamis Oriental.

Sa kabuuan, 35 ang kaso ng Delta variant sa Pilipinas, tatlo rito ay nasawi.

The post 7 Pinoy ‘di pa gumagaling sa Delta variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-pinoy-di-pa-gumagaling-sa-delta-variant/)