Balik sa striktong quarantine ang siyam na lugar sa Ilocos Norte dahil sa patuloy na pagsirit ng COVID-19 case sa probinsya.

Ayon kay Ilocos Norte Gov. Matthew Manotoc, ipapatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa mga bayan ng Bangui, Dingras, Dumalneg, Marcos, Pagudpud, Paoay, Pasuquin at Solsona, kasama ang siyudad ng Batac.

Sa Batac City ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa probinsya, na may 185 active case.

Sambit pa ni Manotoc, magkakaroon ng curfew sa lugar mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.

Bukod pa rito, ipagbabawal din ang non-essential mass gathering, pati na rin ang paglabas sa tahanan ng mga bata at senior citizen at may mga sakit.

Sa Ilocos Norte, umabot na sa 5,891 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, habang 1,624 dito ay active case.

The post 9 lugar sa Ilocos Norte sinailalim sa MECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/9-lugar-sa-ilocos-norte-sinailalim-sa-mecq/)