Nagbanta si Senador Joel Villanueva nitong Huwebes na babawasan ng pondo ang mga ahensya ng gobyerno na mapapatunayang nagbabayad ng trolls para sa halalan sa 2022.

“Number 1, we can always defund or hindi bigyan ng pondo,” pahayag ni Villanueva sa panayam ng ANC.

“Pangalawa, meron ba silang nilabag na ating current laws na hindi dapat nila gawin. The committee will look into it,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon pa kay Villanueva, matindi ang mga negatibong resulta na maaaring idulot ng mga troll.

“Can you imagine the effect of spreading fake news? For example, the vaccine itself will become a microchip that will take over your body, etcetera, at kung pinaniwalaan ito ng isang indibidwal or a group of people, nakakamatay ito. Hindi ito biro,” dagdag pa ni Villanueva.

Si Villanueva ay isa sa 11 senador na naghain ng resolusyon para imbestigahan ang mga kumalat na ulat na ginagamit ang pondo ng ilang mga ahensya para bayaran ang mga troll na nagkakalat ng fake news. 

The post Ahensyang may trolls bawasan pondo – Villanueva first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ahensyang-may-trolls-bawasan-pondo-villanueva/)