Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Martes ng walo pang aktibong kaso ng COVID variant na Delta matapos ang isinagawang retesting.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, apat sa mga ito ang ula sa Cagayan de Oro, tig-isa mula sa Maynila at Misamis Oriental, habang dalawa ang OFW na kakauwi lang sa bansa.

Dagdag pa niya, sa kasalukuyan ay asymptomatic ang naturang mga pasyente.

Patuloy na nanawagan ang DOH maging ang iba pang ahensya ng gobyerno na manatiling sumunod sa mga health protocol.

Samantala, sinisiguro rin ng Health Department na epektibo ang mga bakuna kahit sa Delta variant.

The post Aktibong kaso ng Delta variant, 8 pa – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aktibong-kaso-ng-delta-variant-8-pa-doh/)